panaginip song  lyrics



 



 Sa mundong ito

Para tayong mga ibon na lumilipad

Sa kahel na kalangitan

Na walang ginagawa kung di ang magmahal


Madilim na buhay pa rin ang mundo

Tulad ng pagmamahal ko sa 'yo hindi napupundi

Lumalapit bumabalik sa 'yo

Sa 'yo


Gusto kitang makasama buong gabi

Nakahigang nakaharap sa mga bituin

Hinihintay ang kinabukasan

Tayong dalawa lang sa istoryang ito


Sa mundong ito

Ang ganda ng mga bituin

Ngunit sa 'yong sa 'yo lang ako

Nakatingin


Mga kilos mo'y aking nasisilayan

Ako ba'y lumilipad na naman


Gusto kitang makasama buong gabi

Nakahigang nakaharap sa mga bituin

Hinihintay ang kinabukasan

Tayo lang ba sa istoryang ito


Pwede bang makasama ka kahit na sandali

Pwede bang makasama ka kahit di nakapikit

Kahit na di buong gabi basta't hindi lang sa panaginip

Panaginip


Gusto kitang makasama buong gabi

Nakahigang nakaharap sa mga bituin

Hinihintay ang kinabukasan

Ako lang pala sa istoryang ito


Gusto kitang makasama buong gabi

Nakahigang nakaharap sa mga bituin

Hinihintay ang kinabukasan

Ako lang pala sa istoryang ito